BLAIR VIPER TORO NARAMDAMAN kong parang may sumingaw na usok sa mga tainga at pisngi ko. Nilihis ko agad sa kabilang direks’yon ang mga mata ko at bahagya kong tinulak ang dibdib n’ya. Kusa naman s’yang kumalas sa ‘kin pero agad n’yang dinakip ang kaliwa kong kamay. Marahan n’yang hinawakan iyon. “Let’s go, baby…” Hindi ko s’ya sinagot. Pinako ko na ang mga mata ko sa sahig. Mas nauna s’yang humakbang at sinundan ko agad s’ya. Habang tinatahak na amin ang madamong daan, hindi ako mapakali sa malapad, mabigat at malaki n’yang kamay na naka-kapit pa rin sa ‘kin. “Blairrr! Boss Regisssss!” Sa kalagitnaan n gaming paglalakad, boses naman ni Kisha ang umalingawnagw sa paligid. Sabay namin s’yang nilingon ni Regis. At nakita namin na kasama n’ya ulit si Mang Pablo. Hinintay namin sila pero