BLAIR VIPER TORO “Buksan mo na nga lang ang wine, Regis.” Matigas akong tumikhim at binaling ko na ang buo kong atens’yon sa malapad na screen. Mahina n’ya akong hinagikhikan na parang nangaasar pa ‘yan. Inalisan na nga n’ya ng takip ang wine at isa-isang binuhusan ang dalawang baso. “Here’s your drink, baby…” Marahan n’yang inabot sa ‘kin ang wine glass. Kinapitan ko agad ang slim handle habang hindi ko inaalis ang mga mata ko sa screen. Parang walang planong panoorin ni Regis ang naka-flash na palabas sa TV at sa akin talaga s’ya naka-titig ngayon. Para n’ya akong lalapain kung maka-tingin. Ang hirap i-maintain ang kaangasan kung ganito ang akto n’ya sa ‘kin. Sa unang tingin, parang wala lang sa ‘kin ang ginagawa n’ya pero deep inside, kung patayin lang ‘tong TV, baka marinig