BLAIR VIPER TORO PAG-BALIK namin sa ulingan, hindi pa rin kami naligo. Napagkasunduan namin ni Regis na mamaya na lang kami maghuhugas ng katawan. Nilinisan lang ang mga isda sa balon at tinusok naman sa bamboo stick. May mga natira pa akong uling sa imbakan ko. Iyon ang ginamit namin na panggatong. Naka-palibot sa mga baga ang mga isdang nahuli namin. Ako ang naka-toka para bantayan habang si Regis naman, naliligo sa sariling pawis at kumukuha na s’ya ng mga kawayan para maumpisahan ng mapatayo ang kubo ko. Dapat bago kumagat ang dilim, matatapos na namin. Saksi ako kung paano unti-unting nabubuo ni Regis ang kubo. Sahig, haligi at pader lang ang ginawa n’ya. ‘Yong bubong ko, iyon pa rin ang ginamit n’ya. “Regis, magpahinga ka kaya muna? Nagdidilim na oh?” Nakatingala ako sa bubong