BLAIR VIPER TORO
NADAGDAGAN ang nararamdaman kong pagkahilo nang marinig ang sagot ng babae.
Halimaw talaga ang Regis na ‘yon.
Alam kong bahagi ‘to ng parusa n’ya sa ‘kin pero parang lumalabas na torture na talaga itong nangyayari. Pinikit ko ng mariin ang nanlalabo kong mga mata.
“Aalisin ko muna ang posas mo.” Nilapag ng babae ang tray sa isang tabi at sinusian ang handcuff sa likod ko. Kinuha n’ya ulit ang tray at pumuwesto sa aking harapan
“Ano, tutulungan pa ba kitang tumayo? Naghihintay na si Boss Regis, paki bilisan at baka ako na ‘yong masesermunan…”
“Sandali lang…” Napapangiwi ako habang napapakapit sa simentadong harang at pilit kong tinayo ang aking sarili.
Ramdam ko ang pangangatog ng aking mga tuhod.
“Kaya mo bang kapitan ang tray? Med’yo mabigat ‘to…”
Hinarap ko s’ya na parang mapapaupo ako pabalik sa sahig. Hinugot ko pa ang natitira kong lakas para tumayo ng maayos kahit literal talagang nanginginig ng mga binti ko. Dahan-dahan ko nang inangat ang aking mga braso at tinapat ‘yon sa babae.
Tinitigan n’ya ako sa mukha bago n’ya maingat na pinasa sa ‘kin ang tray. Kinapitan ko ang magkabilang gilid ng handle at hinigpitan ko agad ang pagkakagapos ng mga daliri ko roon.
“Oh, dahan-dahan lang, Miss. Baka mahulog mo ha...”
Tinitigan ko s’ya. “Bakit nga pala naisipan ng diablo na ako ang maghahatid nito sa kan’ya?” Kumibi’t balikat s’ya sa tanong ko.
“Mamaya mo na ako tanungin, malalagot na ako nang dahil sa ‘yo ‘e.” Mas nauna s’yang nag-lakad pero nilingon n’ya naman kaagad ako. “Tara na, sundan mo na ako.”
Humugot ako ng maraming hangin. Humakbang na s’ya palayo sa ‘kin at nilakad na ang daan palabas nitong istabla ng mga baboy. Nang tumagos na kami sa naka-bukas na pinto, doon lang ulit ako nakalanghap ng sariwang hangin.
Habang tinatahak ang madamong lupa, napapatingin ako sa paligid.
Ang dami kong nasilayan na silungan ng mga hayop. Hindi ko masukat kung gaano kalawak itong kinaroroonan namin na halos sa malayo ko pa natatanaw ang mga punong kahoy. Puro lang damuhan, batis at mga kulungan o istabla ng mga inaalagaan nila.
Napapatingala ako sa kalangitan.
Pasikat pa lang ang araw.
Nauulanan pa ako ng hamog. Ramdam ko ang pagsagi sa suot kong flat sandals ang malamig na mabasang damo. Nangangatog na rin ang mga kamay ko habang kapit-kapit ang hawakan ng tray. Kinakaya ko ng natitira ko pang puwersa para hindi ko mabitawan.
Dahan-dahan ko namang binabaan ng tingin ang pagkain na laman ng tray.
Napapalunok ako ng sunod-sunod habang nalalanghap ko ang mabangong amoy itong inihaw na buong manok.
Napansin ko na lang na tumutulo na pala ang laway ko sa gilid ng aking mga labi.
Pasimple ko na lang na pinunasan iyon gamit ang manggas ng suot kong maluwang na t-shirt.
Natatakam ako at gusto ko na lang lamunin itong agahan ng diablo.
Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinilat. Sinundan ko pa ang babae na mukhang katulong din ng farm na ‘to.
Wala akong ideya kung ilang minuto kaming naglalakad pero natanaw ko na lang sa ‘di kalayuan na tatawirin namin ang tulay na hindi naman gaanong mahaba.
Rinig ko ang pagragasa ng tubig ng batis at natatanaw ko sa dulo ng tulay ang open cottage. Naningkit kaagad ang aking mga mata dahil nasilayan ko roon ang presens’ya ng diablo. Naka-upo s’ya habang naghihintay sa harapan ng lamesa.
Ramdam kong lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa tray habang napapakiskis ng bagang.
Tinawid namin ang tulay. Napansin kong naka-sunod sa ‘kin ang kan’yang mga mata.
Agaw-pansin naman ang mga bantay n’yang naka-tayo sa ibang sulok ng cottage habang hawak-hawak ang mga mahahabang baril.
Kung wala lang sana silang dalang armas, kayang-kaya ko sanang tumakbo palayo. Hindi ako makakaporma basta-basta dahil ang daming umaaligid na soldiers sa bawat sulok ng farm. “I thought you need assistance but it looks like you still have energy left… Fascinating…” Tumigil ako sa harapan ng mesa.
“Place that above the table,” utos n’ya sa ‘kin.
Doon ko naman tinapat sa ibabaw ng mesa ang tray at pabagsak na binitawan.
Napansin kong binalingan kaagad ako ng masamang tingin ng mga bantay n’ya. “I am pretty sure that you are hungry.” Tinapunan ko naman s’ya sa naniningkit na mga mata.
“Hindi ako nagugutom,” mariing sabat ko.
Wala s’yang naisagot sa ‘kin at kinapitan n’ya na lang ang tray. Dahan-dahan n’yang inusog palapit sa kan’ya. Kinapitan ang table knife at tinidor. Nakita ko kung paano n’ya hiniwa ang inihaw na manok at tinusok gamit ‘yong tinidor.
Iniwasan ko agad s’ya ng tingin nang sinubo na n’ya sa bibig at dahan-dahang nginuya.
Kaya n’ya ako inutusan para maihatid sa kan’ya ang pagkain na ‘yan dahil halos tatlong araw na akong hindi nakakakain. Rinig na rinig ko ang mahihina n’yang pagnguya habang nilalasap ang kan’yang sinubo. “Do you want some?”
“Hindi nga ako gutom.”
Natawa s’ya ng mahina. Nakakakilabot pakinggan ang tawa n’ya. Nananyuan ang mga balahibo ko sa batok. “Your stomach keeps growling… you can’t hear it?"
“Wala akong naririnig.”
“Inaalok na kita ng makakain pero tinanggihan mo pa?”
“Wala kang pakealam, gago,” mariing usal ko.
Bago pa ako mabalingan ng mga tingin ng soldiers, sinalubong ko na isa-isa ang kanilang mga mata. “Boss, hayaan n’yong mamatay sa gutom ang babaeng ‘yan.”
“There’s no fun if she dies early...” pahayag ni Regis. “…pero hindi ko na s’ya aalukin pa. I won’t give her food unless she begs for it.”
Diniin ko ang aking panga. “Kung magmamakaawa ako para mapakawalan n’yo ako, gagawin n’yo ba ‘yon?”
“I have told you that you must spend your time working here. You will earn your freedom but if you keep disrespecting me like this, there’s no chance for you to go back where you come from… magigng alipin ka na lang habang buhay.”
“Bakit ka nanghihingi ng respeto sa ‘kin kung ikaw itong demonyo na bigla na lang akong pinadukot at kinulong dito? Sinabi ko na... Hindi ko na problema kung mamamatay ka at hindi mo mapipilit ang tao na matulungan ka.”
Tinitigan n’ya ako pababa-pataas. “What an evil wench…” mariing sambit n’ya. “I haven’t seen a woman who is evil as you… Since the day you abandoned me in that forest, I swore that I have to find you, punish you and I even want to kill you… and now who is a real devil here?” Pareho lang naman siguro kami. “I don’t see a sign of guilt in what you have done but instead, you keep provoking the hell out of me.”
Kinuyom ko ang aking mga kamao. “Regis, hindi lang ikaw ang nakilala kong masasamang tao. Kung papahirapan mo ako, bahala ka pero dapat makonsens’ya ka rin dahil porke hindi ka tinulungan, maghihiganti ka.”
“Yeah, my revenge is… I will make you suffer inside of my manor and…” Pumitik-pitik ang talukap ng mga mata ko nang masilayan ko na naman ang nakakairita n’yang ngisi. “…I won’t be able to let you go if you keep showing that terrible attitude. I won’t hesitate to bring your decapitated head to your family.”
Diablo talaga. “Sige, magpapakabait ako pero siguraduhin mo lang na may patutunguhan ang parusa mo sa ‘kin hanggang sa maka-laya na ako dahil abala akong tao. May pinapaaral akong kapatid… paguuling at pagtatanim lang ang hanap buhay ko kaya sana ‘wag mo nang patagalin.”
Sumandal s’ya sa upuan habang pinagmamasdan ang buong pagkatao ko sa mga matang napuno ng panghuhusga. “I will look forward to that but expect a harsh treatment here. Let’s see if you can survive…” Diniin ko ang pagkakakuyom ng aking mga kamao at iniisip ko na lang na tinataga ko ang Regis na ‘to.
“Go back to the stable now and you have to start cleaning pig’s shít. If you are done, proceed to the other stable,” maawtoridad n’yang utos sa ‘kin.
Napansin kong napa-titig s’ya sa maid na nasa gilid ko. “Tara na, Miss. Bumalik na tayo roon…”
Mariin akong lumunok ng sariling laway para maibsan ang panunuyo ng aking lalamunan at tumalikod.
Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas para linisan ang ang silungan ng mga baboy dahil sa dinami-dami ng mga hayop na naroroon. Tinahak ulit namin ang daan patungo kung saan ako nanggaling at iniwan na ako ng maid sa loob. Puwede na sana akong tumakas kung walang nagaabang na mga soldiers sa kasulok-sulukan ng farm na ‘to.
“Here’s your cleaning tools.”
Nilingon ko ang nag salitang soldier.
Nasilayan kong binato n’ya ang isang walis at mahabang hos na konektado yata sa nakita kong malaking water tank doon sa labas.
Hinintay ko munang umalis ang soldier bago ako mabagal na humakbang palapit sa hos. Dinampot ko iyon at kinapitan ang water spray na nasa dulo. Dahan-dahan kong binuksan para ma-adjust ang pressure.
Para akong naka-kita ng diyamante nang lumabas doon ang tubig. Tinapat ko agad sa bunganga ko at lumagok ng lumagok hanggang sa tuluyan nang nahimasmashan ang tuyo na tuyo kong lalamunan.
Nahihingal kong pinatay ang hos.
Habang nagiipon ng lakas, may narinig akong tunog ng sasakyan. Nagmadali akong lumabas at nasilayan ko na may isang truck na paparating.
Pero ang aking unang napansin, napuno ng mga gulay ang likod ng truck.
Humakbang kaagad ako palabas at sinalubong ang sasakyan na ‘yon. Nakita agad ako ng driver at tumigil s’ya sa pagmamaneho. “Saan n’yo dadalhin ang mga gulay na ‘yan?” Hindi n’ya ako sinagot at lumabas muna sa driver seat saka lumakad palapit sa ‘kin.
“Ipapakain ko ‘to sa mga baboy. Ito ang bahagi ng hinarvest namin... pero... bakit ineng? At sino ka? Servant ka ba?” Taas baba din ang pagkakatitig n’ya sa ‘kin.
Sinulyapan ko naman ang sarili ko.
Ang dumi-dumi na talaga ang suot kong maluwang na t-shirt at pantalon na puno pa rin ng mantsa ng uling.
Simula kasi noong dinukot nila ako, hindi pa ako naka-ligo at nakapagbihis. Nangangati na nga ang katawan ko. Mamaya pa lang ako maliligo. Ang dungis pa ng mukha ko. “Didiretso na ako sa dulo ng istabla, Ineng...”
“Puwede bang dito muna kayo maguumpisa para po malinisan ko na ang kulungan ng mga baboy pagkatapos nilang kumain…”
“Sige, Ineng. Paki kuha na lang ang kariton.” May tinuro s’ya sa ‘kin na farm cart. Naka-sandal lang iyon sa labas ng pader nitong silungan ng mga baboy. Kinuha ko iyon at hinila palapit sa likod ng truck.
Doon ko na tinulungan ang manong para masalinan ng mga gulay ang cart. Nang mapuno na, hinila ko na ‘yon papasok ng kulungan.
Hinintay ko munang umalis ang matanda. Nang marinig kong bumiyahe na palayo ang sasakyan, mabilis kong dinampot ang malaking kamatis.
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hinuhugasan sa tubig ng hos at kinagatan ko na.
Gutom na gutom na talaga ako.
Kamatis at pipino lang ang kinain ko. Baka hindi agad ako matunawan kung pati carrots, repolyo, at petchay pa ang lalantakan ko. Sasakit lang ang tiyan ko. Tinago ko na ang iba pang mga gulay na puwede kong kainin saka ko binigay sa mga baboy ang para sa kanila.
Ilang sandali, dumating na ang tagapakain ng baboy. Sako naman ng feeds ang dala n’ya. Nang umalis na s’ya, saka ko lang napaliguan ang mga baboy dahil may lakas na ako para gawin ang pinapagawa sa ‘kin ang Diablong ‘yon.
Ang dami kong tinagong kamatis at pipino. Iyon naman ang kakainin ko mamaya dahil ang dami ko pa palang papaliguan na istabla ng mga hayop.
Inakala kong, halos trenta na kulungan ang aasikasuhin ko, pero may mga taga-paligo rin pala kaya nabawasan ang trabaho ko.
Dalawang kulungan lang ang nalinisan ko pero nakakapanghina.
Habang naglalakad lang sa madamong bahagi ng open field, kapansin-pansin na panay sulyap sa ‘kin ang mga soldiers na
naka-stand by lang sa paligid.
Natanaw kong may makakasalubong akong maid. “Miss,” tawag ko sa kan’ya.
Tumigil kaagad s’ya sa aking harapan. “Oh, bakit?”
Sinulyapan ko muna ang suot n’yang pormal na puting bestida at apron. Mukhang uniporme yata ‘yan ng mga servants dahil ito rin ang suot ng babaeng naka-usap ko roon sa underground. “Bakit nga? Bilisan mo, ang dami ko pang gagawin.”
Huminga ako ng malalim. “May extra ka bang lumang damit diyan? Bihag lang kasi ako rito at wala akong dalang gamit kahit ano.” Napa-titig naman s’ya sa iba’t ibang parte ng aking katatawan.
Nasilayan kong nginiwian n’ya ako.
“Sorry po ginagamit ko lahat ng mga damit ko. Sa iba ka na lang humingi.” Inirapan pa ako ng maid bago ako nilagpasan sa paglalakad.