REGIS DEMORGON C4

1240 Words
BLAIR VIPER TORO “A-Ano?!” malakas kong singhal. “Wala akong kasalanan sa inyo! Pinabayaan kitang mamatay na lang doon sa bundok dahil naghihingalo ka na at hindi kita matutulungan dahil ang layo pa ng hospital dito!” “I wouldn’t ask to bring me to the hospital because my men were close by in that forest. If you just helped me I wouldn’t have suffered from blood loss aside from broken bones…” Marahas kong iniling ang aking ulo. “Hindi puwede, marami pa akong dapat gawin! Wala akong panahon para ikulong n’yo ako rito! Pakawalan n’yo ako ngayon din!” “You are lucky that I didn’t have to behead you because I was able to survive. Paparusahan lamang kita sa ginawa mo sa akin. Dapat kang magpasalamat dahil hindi kita binawian ng buhay.” Lumalim bigla ang kan’yang boses. “You are a heartless wench for abandoning me while I was fighting for my life. You can’t get away from here, face your charges.” Mariin kong nilunok ang sarili kong laway. Nanginginig ang kalamnan ko habang tinututok ko ang aking mga mata sa taong ‘to na may malaking galit sa ‘kin. Naninindigan ako, para sa ‘kin, wala akong nagawang mali! Sinabi ko na ang rason ko, mukhang hindi n’ya tanggap?! Kasalanan na pala ang ginawa ko?! Hindi ‘to maka-tarungan! “Ano ang dapat kong gawin para makaalis ako sa lugar na ‘to?” mariing usal ko. Nginisihan n’ya ako. “I am glad you asked…” Nag-laho agad ang pag-kurba ng kan’yang mga labi at taas noong tinitigan ako. “You have to work as a servant in my manor and I have decided to deploy you here… in my farm.” “Kailan ako makakaalis?” “Ako ang magdedesisyon kung kailan kita papalayain." “Hindi puwede, mag sabi ka para alam ko. Para malaman mo, ang dami-dami kong pinagkakaabalahan sa buhay. Baka masunog na ang uling ko roon sa bukid at baka nakawin din ang mga pananim ko roon!” Natawa s’ya ng pagak. “So… being a servant suites you very well… and the forest that you were talking about? It’s mine now.” Tumitibok ang mga ugat ko sa ulo habang kinakausap ko ang halimaw na ‘to. “Kailan mo nga ako papakawalan?!” Tinitigan n’ya ako mula paa hanggang sa aking ulo. “I have never seen such a fearless woman who barks like a dog and instead of begging for forgiveness, you are shouting at me?” Pumikit ako ng mariin. Ang daming napapansin sa 'kin. “Boss.” Sasagutin ko sana s’ya pero may nag-salitang lalake na isa sa mga tauhan n’ya. “Tuturuan ko ng leks’yon ang babaeng ‘yan hanggang sa tumiwid ang kan’yang dila.” Nasilayan kong may kinuha ‘yong lalake na bagay na naka-sabit sa kan’yang likuran. Kakabahan na sana ako dahil akala ko, baril na pero latigo lang pala. “No, not yet,” tugon ni Regis. Sa kan’ya ulit ako tumitig. Nagkatinginan kami. “I don’t like your eyes… parang mga mata ng ahas.” “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Regis! Kailan mo nga ako papakawalan—ah!” Napa-tigil ako sa pagsasalita nang bigla na lang ako sinipa sa likod ng lalakeng nag-dala sa ‘kin dito. Napa-dapa ako sa simento. Dahan-dahan ko namang nilingon ang soldier at pinandilatan ko s'ya ng mga mata. “Tangina mo ah! ‘Pag ako naka-wala rito, papatayin kita!” Um-echo sa buong istabla ang nanggagalaiti kong boses habang naghahabol ng sariling hininga. “It seems like you need to stay longer here.” Natigilan ako sa mga binanggit ni Regis at binalingan ko s’ya ng tingin. “If no one taught you some proper manners to address the superiors…” Kumulo lang lalo ang dugo ko nang pinakita n’ya na naman ang nakakairitang ngisi n’ya. “Ako ang magtuturo sa iyo…” “Sinasayang mo lang ang oras ko rito!” “You need to do the hard labor in this farm.” “Gago! Idadamay mo pa ako sa kagaguhan mo! Wala kang pakealam kung hindi tutulong ang tao sa ‘yo!” Ramdam ko ang pagalingasaw ng negatibo n’yang inherhiya. Mukhang ginalit ko pa s’ya sa mga hiniyaw ko. “Chad.” “Yes, Boss?” Tinawag n’ya ang soldier na nasa likod ko. “Bring that vermin in the pig’s stables. No food, no water… two days.” “Yes, Boss.” Wala akong humpay na nagpupumiglas habang kinakaladkad na ako ng kan’yang tauhan palabas sa istabla ng mga kabayo. Um-e-echo ang malakas kong sigaw sa buong paligid hanggang sa pinasok n’ya ako sa silid naman ng mga baboy. Binagsak n’ya ako sa sahig. Lumakad s’ya palabas at sinarado na ang pinto. Nagkagulo ang mga hayop. Narindi ang mga tainga ko sa mga pinapakawalan nilang ingay. Dahan-dahan kong pinaupo ang aking sarili habang napapangiwi. Humugot ako ng lakas para tumayo at tinungo ang naka-saradong bakal na pintuan. “Ilabas n’yo ako rito mga hayup kayo!” Sigaw ako ng sigaw habang pinanggigilan ko ang pangalan ng pinuno nila. “Putang ina mo Regis! May araw ka rin sa ‘kin na diablo ka! Tatagain kita!” nahihingal kong hiyaw. Sinandal ko ang aking likod sa malamig na pinto at dahan-dahan kong pinadausdos ang nanghihinan kong katawan. Napa-upo ako sa sahig. Dalawang beses nila akong pinatulog sa gamot na tinarak nila sa ‘kin. Nakakaramdam ako ng pangmamanhid at nakakalanta ng lakas. Ang nasa isip ko ngayon, ang kapatid ko. Kinakailangan kong ibenta ang mga uling na malilikom ko ngayong linggo. Kung mapapabayaan ang ulingan ko, masunog iyon at hindi ko na mabebenta pa kaya ako nagmamadaling umalis dito. Ginagantihan ako ng lalakeng ‘yon dahil lang sa hindi ko s’ya tinulungan? Wala s’yang pakealam kung hindi ko iyon ginawa. Patay kung patay. Pag-kagat ng dilim, hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip kung ano ang nararapat kong gawin. Tiniis ko ang masangsang na amoy ng pinaghalong tae at ihi ng baboy. Sumasakit ang ulo ko sa baho. Tiniis ko rin ang uhaw at gutom. Kung patibayan lang din ng sikmura, kayang-kaya ko at lagi naman akong nalilipasan ng gutom pero hindi ako makakatiis kapag walang tubig. Nagbabakbak na ang mga labi ko sa uhaw. Pakiramdam ko, wala na akong laway na mailulunok pa para man lang maibsan ang uhaw ko. Nahihilo na rin ako. Nang sumapit ang ikalawang araw ng ala singko ng siguro ng umaga, nagising ako nang marinig kong may bumukas ng pinto. Napa-upo ako ng tuwid sa sinasandalan kong simentadong harang ng kulungan nitong mga baboy. Unti-unti kong nasilayan sa bungad ng pintuan na may lumitaw na isang babae at dahan-dahan akong humugot ng hangin nang may naamoy akong masarap. Kapit-kapit n’ya ang malapad na tray. Biglang luminaw ang mga mata ko dahil nakita kong naglalaman pala ‘yon ng umuusok na mga pagkain. Hinintay kong tumigil s’ya sa aking harapan. “Ikaw ba si Blair?” Tiningala ko s’ya at dahan-dahan akong tumango. “G-Gutom na gutom na ako… P-Para ba sa ‘kin ang p-pagkain na ‘yan? A-Akin na…” Inilingan n’ya ako. “Hindi. Sumama ka sa ‘kin dahil inutusan ako ni Boss Regis na ihatid mo raw ‘tong agahan n’ya roon sa hardin. Tumayo ka na riyan at hawakan mo na ‘to. Bilisan mo na.” Dumilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD