BLAIR VIPER TORO GUSTO kong manlumo sa sagot sa ‘kin ni Regis pero hindi ko na binago ang expre’syon ng mukha ko. “You seem displeased again.” Pero mukhang nabatid n’ya agad na may negatibo akong reaks’yon. “Bakit bisitahin ko lang ang kapatid ko, bawal?” “I won’t allow it... Yet.” Sa sagot na ‘yan ni Regis, lalo ako nanghina. Sabik na talaga ako na makita ang kapatid ko. Gusto ko tuloy sisihin ang sarili ko dahil hindi na lang ako tumakas kanina. Inubos ko na ang mga pagkain. Ngayon lang ako nabusog sa buong buhay ko. Ang bigat-bigat ng tiyan ko. Nasa loob na kaming dalawa ng elevator ngayon at patungo na kami sa special guest room na sinasabi n’ya. Nang maihatid kami sa ikalimang palapag, pinasok namin ni Regis ang isa sa mga pintuan. “I hope this room finds you comfortable.”