BLAIR VIPER TORO NANGANGATOG, nanginginig kanina pa ang buo kong katawan dahil sa air con siguro. Para akong nasa ulingan doon sa bukid tuwing ala una ng madaling araw. Minamasdan ko si Regis na kanina pa hinahalungkat ang bawat drawer ng mga magagarang aparador at cabinet na hindi ko alam kung anong uri ang iba pang muwebles. “A-Ako na lang kaya ang maghahanap, boss?” Hinarap n’ya ulit ako at tumayo pa ng tuwid. Bumuga ng malalim na hangin. “I will search somewhere else. Stay here.” Nagmadali naman s’yang lumabas sa loob ng silid at nilagpasan n’ya ako hanggang sa nawala na s’ya sa kuwarto. Dahan-dahan naman akong lumakad palapit sa kinaroroonan ng mga drawer at binuksan. Kinuha ko ang una kong dinampot pero nangunot ang noo ko dahil ang nipis-nipis naman nito na parang kita pa rin