BLAIR VIPER TORO NATAWA na lang ako ng mapakla. Ginawa nga talaga akong hayop pero ‘di hamak na mas maganda ang trato nila sa mga hayop dito lalong-lalo na ang mga kabayo. Pinapakain, kargado ng mga bitamina at pinapaliguan ng maayos pero ako, ni wala nga akong matinong masusuot. Nakakalimutan ko na ang lasa ng kanin. “Mas masahol pa sa hayop ang trato mo sa ‘kin, Regis…” Nginisihan n’ya ako. “Like I just said… You are my favorite,” mahinang sambit n’ya. “If you want to be fed, follow my orders and you should control your anger issues… I won’t hesitate to whip you again until you suffer from blood loss like what happened to me in the forest…” “Basta’t siguraduhin mo na lang na kapag magpapakabait ako, hindi mo agad ako papatayin?” Bahagya n’ya akong tinanguan. Pagkakataon kong maka