BLAIR VIPER TORO “Ano pa ang tinutunga-tunganga mo riyan?! Ibabalandra mo na lang ba ang katawan mo?!” Sinalin ko ang buong atens’yon sa servant na nagsasalita. Dahan-dahan kong kinurba ang aking mga labi para ngisihan s’ya. Pinandilatan n’ya ako ng mga mata. Hindi ko s’ya binigyan ng pansin. Kay Regis naman dumako ang pagkakatitig ko na hindi na s’ya maka-tingin sa 'kin ng diretso ngayon. “Lulusong na ulit ako sa tubig… sundan mo na lang ako para mapaliguan ko na ang kabayo mo,” mahinahong sambit ko bago ako umalis sa aking kinatatayuan. Lumakad ako palapit sa mababaw na parte ng batis habang rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga servant na naiirita ng husto. Lumayo ako sa kanila. Nag-hanap ako ng magandang puwesto. May nasilayan akong puno sa gilid ang batis. Doon ako tumungo