BLAIR VIPER TORO NANGUNOT ang noo ko nang marinig ang inusal ni Regis. “What do you want?” Kaninang pormal, biglaang tumigas ang boses n’ya at sumalpok pa ang mga kilay. “Oh, alright.” Kumunot naman ang noo ko. Nag bago rin agad ang kan’yang expresyon sa mukha at naging kalmado na. “Okay, I will pass the telephone to her now.” Inabot naman ni Regis ang speaker ng telepono sa ‘kin. Nagtataka ako kaya tinanggap ko agad saka nilapat sa kaliwang tainga ko. “Hello?” “Your husband is so nosy,” mahinang bulong n’ya. Si Dax nga ‘to. “And anyway, I am so sad that you ended up marrying him but on the other hand… I am happy for both of you.” Kaya naman pala umayos ang mukha ni Regis at maganda ang sinabi sa kan’ya ni Dax. “Congratulations...” “We can invite him if he wants to attend our weddi