SPECIAL CHAPTER 2 - BLAIR VIPER TORO Kaagad akong hinabol ni Chadler. Binuksan ko na ulit ang pintuan sa back seat. Pumasok na ako at umupo. Bumalik na rin s’ya sa driver seat. Mabilis naming nilisan ang lugar na ‘yon at iniwasan kong mahagipan ng tingin rear view mirror ang nagsisigaw kong ama. Habang naka-upo sa car seat, ilang beses akong huminga ng malalim. Sinusumpa ko talaga na kahit anong gawin n’ya, hinding-hindi ko s’ya tatanggapin sa buhay ko at matagal ko nang kinalimutan na may tatay ako. Matagal kong tanggap na isa ako sa mga taong malas sa ama. ‘Gaya ng sinabi ko, kung gagana sa iba ang linyahang ama mo pa rin ‘yan, sa ‘kin hindi. Nang maka-balik na ako sa mans’yon, nasa meeting si Regis sa office kasama ang mga tauhan n’ya kaya dumiretso na muna ako sa kuwarto namin at