BLAIR VIPER TORO. BUMALIK na ako sa loob ng kubo. Inataake na naman ako ng pagkahilo kaya nagpahinga muna ako roon. Umupo sa papag habang padiin na minamasahe ang aking sintido. Anemic ako pero para akong ha-highbloo-din nang dahil kay Regis. Aba’t talagang nagpakita pa talaga s’ya sa ‘kin bago lumabas. Ang seryoso ng usapan na hindi ko na gustong makita ang pagmumukha n’ya tapos bigla na lang s’yang susulpot dito?! Sumama pa lalo ang nararamdaman ko. Kinakailangan ko nang bumaba ng bundok habang maaga pa. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sinilid sa lumang bag. Sinara ko ang kubo saka tinahak ang daan paalis sa lugar na 'to. Babalik lang siguro ako rito kung aanihin ko na ang mga gulay at mais ko. Hindi na ako babalik dito at hindi naman na kami ang may-ari ng lupa. Gusto ko pa san