BLAIR VIPER TORO Nasa loob na ako ng kuwarto ko at umupo s’ya rito sa tabi ko. “Kausapin mo ako, Blair.” Bumuga ako ng malalim na hininga. “Ano ang nakakatuwa rito?” malamig kong sambit. “Buntis ako? Ano ngayon? Sa tingin n’yo ba, karapat-dapat akong maging nanay sa lagay na ‘to?” Tulala ako sa kawalan habang binabanggit ang mga salitang ‘yon. “Blair, walang kasalanan ang bata kung ano man ang kamalasan na nangyari sa ‘tin… ano ka ba, umayos ka nga...” “Oo, wala nga. Ang gagong ‘yon ang may kasalanan, wala nang iba.” “Biyaya ‘yang anghel na ‘yan, Blair… Huwag ka namang ganiyan… Alam kong nasasaktan ka pa ngayon sa nangyari kay Brion pero… Dapat lalo mo pang tatagan at buntis ka oh…” Tumayo ako sa pagkakaupo. Kinuyom ko ng napakadiin ang kamao ko. “Hindi puwede…” mahinang usal