BLAIR VIPER TORO “B-Blair... anong—“ “Wala na po akong ibang pagpipilian. Hindi ko mailigtas ang kapatid ko kung iiwasan ko ang katotoohanang ‘yan… Sino ang tutulong sa ‘tin? Sino ang tutulong sa ‘kin?” Umiling ako. “Wala... Kahit kanino man tayo lalapit, alam kong hindi nila tayo bibigyan ng aks’yon. Kung hindi ako kikilos, mamamatay si Brion.” Natahimik ang Tita ko. “Pagkatapos ko pong kumain, babalik kaagad ako roon. Iiwan ko rito ang perang binigay sa ‘kin ni Chadler para may panggastos kayo. ‘Wag na kayo maglabada para makapagpahinga kayo... sa oras na maka-uwi kami, sinisiguro kong hindi na tayo maghihirap...” Labag sa loob ni Tita ang desisyon ko pero wala na akong magagawa. Kahit ako, hindi ko gustong bumalik doon para makita ulit ang pagmumukha ni Regis. Hindi ko alam