Nanalo kami. Mabubulok na sa kulungan si John. Kahit na dinamdam ni Tita Lea ang pagtanggi namin sa kagustuhan n'yang iurong namin ang kaso ay hindi na namin iyon inintidi pa. Bumalik sa normal ang lahat. Sumusubok kami ni Timothy na magka-baby ulit, pero hindi pa pinagbibigyan ulit. Habang wala pa, hanggat may pagkakataon ay sa pamangkin kong si Marionne namin binubuhos ang lahat ng attention. "T-ata!" halos mapapalakpak pa ito nang makita ako. Magtatatlong taon na ito. Aminado akong spoiler ako pagdating sa pamangkin ko. Kaya rin nakukuhang mag-out of town ni Meridette at Colt, ay dahil may Tata Claudette na willing magbantay. Kahit ang Tito Tim-tim ay willing din. Ngayon nga'y may bitbit na bike ang asawa ko, dahil request iyon ng pamangkin ko. "Hello, loves! Miss me?" tanong k