"Lord, masyado mong sinubok iyong pananampalataya ko sa 'yo. Patawarin mo ako, kung halos nawala iyon noong binabagyo ako nang problema." Usal ko, habang hawak ang kulay puting rosaryo. Katabi ko si Timothy. Pagkatapos mahuli ni John, at lumipas ang ilang oras ay naisipan kong magtungo rito sa simbahan. Mabuti na lang at bukas ang simbahang ito. Walang ibang tao kung 'di kami lang. "Masakit na malaman na ang dahilan kung bakit ang dami naming sinuong na problema ay ang best friend ko. Nawawasak po ang puso ko ngayon, pero salamat sa 'yo. Nalaman na namin ang katotohanan." Ginagap ni Timothy ang kamay kong may hawak na rosaryo. Tulad ko'y may hawak din s'ya ngayon. "Makukuha na namin ang hustisyang kailangan namin, panginoon ko. Hindi mo kami hinayaang malugmok nang tuluyan. Salamat dahil