Umupo na ito sa bato, medyo may distansya sa akin. "Hindi ako nagpakita kahit na gustong-gusto kitang kamustahin, dahil alam kong sa pagbalik ng alaala mo, ang pakikipaghiwalay ang una mong hihingin sa akin." "T-imothy, nagkakamali ka!" tumayo ako saka sa mismong harap na nito lumuhod. Ginagap ko rin ang mga kamay nito. "Paanong nagkakamali? Malinaw na malinaw sa akin iyong hangarin mo noon, bago ang aksidente. Alam mo ba, kung pwede lang hindi bumalik ang alaala mo'y ayos lang sa akin. Hindi mo na maaalala ang masakit na sinapit ng anak natin, hindi mo na rin maaalala na gustong-gusto mo na akong iwan noon. C-laudette, naging tapat ako sa 'yo. Kahit kailangan simula no'ng maging tayo, ikaw na lang ang babaeng nakita ko. Hindi ako natukso kahit na kailan na tumingin sa ibang babae, ka