Malinis naman ang katawan ko at nakabihis na rin. Pero nagugutom na ako, napapaos na rin kasisigaw sa pangalan ng asawa kong wala talaga. Kung tama ang hula ko'y nasa office s'ya. Paano naman ako? Mamaya pa kakain? Mamaya pa iihi? Gagong iyon. Bwisit na bwisit ako, pero napagtanto ko rin kung bakit at ano ang dahilan n'ya sa pagposas nya. Takot s'yang umalis ako. Nang marinig ko ang yabag patungo sa kwarto ay inihanda ko na ang galit kong expression. Matalim agad ang tingin sa pinto, lalo na no'ng unti-unting bumukas iyon. "Oh! Baka ikamatay ko na iyang titig mo sa akin." Mabilis na ani ni Colt. Ipinakita nito ang hawak na susi. Saka s'ya lumapit sa kama. Sinimulang tanggalin ang posas na suot ko. "Bakit ikaw ang narito? Nasaan iyong pinsan mo?" mataray na tanong ko. "Hays, iyo