Hindi ko alam kung ako lang ba ang naa-awkward-an o lahat kami. Iba iyong pakiramdam ko sa pasimpleng pagkindat at ngisi ni Colt kay Meri na s'yang katapat n'ya sa upuan. Si Tim ang s'yang nakaupo sa kabisera, ako naman ang katabi ng kapatid ko. Hindi ako tinatapunan nang tingin ni Timothy, na sa tingin ko ay mas ikabubuti ng sitwasyon. Pero syempre, hindi ko maiwasang malungkot. Bakit ba naman kasi sa dami ng lalaking pwedeng mahalin, iyong doon pa sa bawal at hindi na pwede. "Ang sarap nitong nilagang baka. Saktong-sakto ang sabaw sa natutuyot kong lalamunan." Puri ni Colt, saka tumingin na naman kay Meridette at nag-thank you. Hindi naman si Meridette ang nagluto, pero sa kapatid ko nagpasalamat ang lalaki. "Meri, kumain ka nang kumain. Kailangan mong magpalakas sa sitwasyon mo ng