Chapter Twenty-eight

2043 Words

"Clau?" umiiyak si Meridette sa kabilang linya. Iyon ang dahilan kung bakit napabangon ako sa kinahihigaan ko. Sinipat ko ang orasan. 6:20 am pa lang. Anong oras na ako nakatulog dahil tumambay pa si Miriam dito sa bahay, nag-inom at sinundo sa labas ni Nuel. Hindi na ako nag-abala pang ihatid ito dahil bukambibig nito na kapag nalasing ito ay si Nuel ang kukuha rito. Masakit tuloy ang ulo ko dahil sa puyat. Tapos nagising pa dahil sa tunog ng cellphone. "Twin, umiiyak ka ba?" takang-taka na ani ko rito. Ang aga pa, anong problema nito ngayon? "Gusto kitang makita. I miss you, Clau! Balik ka na muna rito." Nasa tinig nito ang pagmamakaawa. Ganito ba kapag buntis? Emotional? Baka, kasi si Tiya Jenny ko no'ng na buntis ay bigla na lang umaatungal ng iyak, eh. "M-eri?" "Uwi ka muna r

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD