Chapter Sixty-one

3040 Words

Nagising ako na hindi na si mama ang katabi ko, kung 'di ang asawa ko na. Anong ginagawa nito rito? Takang-taka talaga ako. Amoy alak ito, naka-boxer lang at himbing sa pagkakatulog. Wala akong lakas na gisingin s'ya, kaya naman bumangon ako na ingat na ingat upang hindi ko magambala ang lalaki. Saka ako nagtungo sa banyo. Natigilan pa nga ako, dahil kusa ko na iyong ginawa. Hindi ako nadumi sa sarili kong salawal, hindi rin naihi. Nang matapos ako sa banyo ay lumabas ako. Nagtungo sa kusina, hindi ako nagugutom. Pero may gusto akong gawin. "Dumating kagabi iyong asawa ni Ma'am Claudette. Ang pogi, 'no? Mukhang nasiraan na ng bait si Ma'am, saka maghiwalay na lang sila. Sayang kasi si Sir Timothy. Bagay sila ni Ma'am Meridette." "Hoy! Iyang bunganga mo nga. Kasambahay lang tayo rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD