Ipinatong ko ang bulaklak sa nitso ni Reddy. Eksaktong Isang buwan simula no'ng aksidente. Isang buwan na, pero gabi-gabing laman ng mga panaginip ko ang kanyang duguang mukha. Sa panaginip ko'y umiiyak s'ya dahil sa sakit. Tinatawag akong mama, sa tuwing lalapit naman ako'y tumatakbo s'ya palayo. "Hello, Reddy! Nandito kami ng mommy mo. Binibisita ka namin, kasi sobrang miss ka na namin." Umupo na rin sa sahig si Timothy, tulad nang ginawa ko. Marahan kong hinahaplos ang lapida kung nasaan ang pangalan ng aking anak at ang kanyang larawan. "Si Mommy, unti-unti na s'yang nagre-response sa mga tanong ko." Magiliw na kwento nito. "Kapag may tanong ako sa kanya, hahawakan ko lang iyong kamay n'ya tapos pipisilin n'ya iyon bilang tugon. Very good ang mommy, 'no?" huminga ako nang malalim. Gu