"Claudette, dito ka sa passenger seat." Ang tingin ko'y agad kong naibato sa kapatid ko. Binuksan na kasi ni Timothy ang pinto at akma na sanang sasakay si Meridette. "Dito na lang ako sa backseat." Binuksan ko na ang pinto at sumakay. Si Meridette naman ay tuluyan na ring lumulan sa passenger seat. "Ihatid n'yo na lang ako sa bahay. Nandoon pa naman siguro si John. Tapos dumeretso na kayo sa lakad ninyong dinner with your friends." "Hindi na lang ako pupunta, Clau. Sasamahan ko na lang kayo ni John sa bahay mo." Tugon ni Timothy na minamaneobra na ang sasakyan. "What? Tim, plinano nating i-meet sila. Expected nilang pupunta tayo roon." "Hindi kita pinipigilan, Meri. Pumunta ka, if that's what you want." Hindi ko alam kung anong pakulo ni Timothy, bigla nitong binago ang pakikit