Chapter 24 Clarence Miguel P.O.V. Sa tingin niyo guys, anong magandang gawin sa panliligaw?” tanong ko sa mga kaibigan ko. Ang mga unggoy, tiningnan lang nila ako at hindi man lang nagsalita nagpatuloy sila sa ginagawa nilang plano para sa bagong business. Plano naming magtayo ng katulad ng na Resto-bar namin. Binato ko sila ng kaha ng sigarilyo. “Wag kang magulo diyan C.M.” ani Matt Xander. “Tulungan niyo ako Dude.” Lumapit pa ako kanila. Sabay-sabay silang tumingin sa’kin. “Sino ba ang Liligawan mo?” tanong ni Brent. “Kailan ka pa ba nanligaw? Ang isang Clarence Miguel hindi nanliligaw siya ang nililigawan ng babae di ba?” sabad naman ni Clark Tristan. “Gusto kong ligawan si Jhoace.” Umiling silang lahat pagkatapos pinagpatuloy nila ang ginagawa nila. “Naririnig mo