Chapter 25 Jhoace’s P.O.V. Taas ang kilay ko habang naka-cross-arms akong pinagmamasdan ang babaing kasama ni Clark Tristan. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang babae. Maputi, matangkad at maganda. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinaasan ng kilay ang babaing iyon. Ang sabi kasi nila magkamukha daw kami. Anak siya ng matalik na kaibigan ni Samora ang kanang kamay ni Tito Teo. “Clark, akala ko ba nandito si Clarence Miguel.” Sabi ng babaing boses ibon. Nasa mansyon kasi kami ni Shin dahil pinapunta kami ni Tito Teo. Nakaupo kami sa malambot na sofa nila sa may living room na dumating ang dalawa. Nakasuot ng black dress ang babae na may backless hanggang sa may balakang. Umagang-umaga pero ang suot niya pang summer. Umusog ako sa papunta kay Shin at bumulong habang nak