Chapter 26 Clarence Miguel's P.O.V. Matapos umalis ni Jhoace biglang dumating si Tita Ally sa kusina. Lumapit siya at umupo sa tabi ko. “Bakit umalis si Jhoace?” Bumuntong-hininga ako. “Tinakasan naman niya ako. Ayaw niyang makinig sa’kin.” “Sana wag kang magsasawang pagpasensiyahan si Jhoace.” “Tita Ally, may gusto sana akong itanong sa inyo sana sagutin niyo ako ng totoo.” Seryoso pa akong tumingin kay Tita Ally. “Alam ko na ang itatanong mo sa’kin kung nagdududa ka sa sinabi ni Jhoace sa’yo ipa-D.N.A test mo si Raven.” “Tita, gusto kong bumalik na kami ni Jhoace sa dati.” Malungkot kong sabi. Tinapik ako ni Tita Allly sa balikat at tipid na ngumiti. “Alam kong darating ang araw na mangyayari ang gusto mo Clarence Miguel.” Pilit akong ngumiti sa kanya. “Thank you, Tita All