CHAPTER 28 CLARENCE MIGUEL P.O.V. Marahan kong hinahaplos ang buhok ni Jhoace habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ni Raven. Isang linggo na kami dito sa hospital, sa isang linggo na iyon unti-unti ng umaayos ang pakiramdam ng anak namin. Nagagawa na rin niyang tumawa kahit naka-dextrose siya. Nakakainom na rin siya ng gatas niya ng marami. Stable na rin ang blood platelets niya. Hinintay na lang namin ang sasabihin ng doktor kung kailan namin siya ilalabas ng hospital. Mula ng pinasok si Raven sa hospital hindi pa umuuwi Jhoace, nagpapadala lang siya ng damit niya para pamalit. Malaki naman kasi ang room ni Raven inilipat namin siya sa malaki at pribadong kwarto ng sa gano’n hindi limitado ang pwedeng dumalaw sa kanya. Mas magiging kumportable rin ang dadalaw dahil may tv at maliit

