Chapter 29 Jhoace’s P.O.V. Nasa loob ako ng kwarto habang binabantayan ko ang anak ko si Raven. Ngayon pa lang siya natulog matapos mapagod sa paglalaro. Naisipan kong tawagan si Clarence Miguel. Hindi kasi siya dumalaw sa bahay ng ilang araw. Ang sabi kasi niya may pupuntahan siyang business meeting. “Hello, my beautiful lady and future wife, I miss you.” Bungad niyang sabi. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin sa sinabi niya, mula kasi ng nag-heart to heart talk kami. Muli ko na siyang tinanggap sa buhay ko, kalimutan ang lahat at mag-umpisang muli. “Helllo, Mr arrogant man.” Tumawa si Clarence Miguel sa kabilang linya. “Bakit ang sarcastic ng pagkakasabi mo sa’kin, Mine ko.” “Hmm… gusto ko lang.” “Gusto mo akong i-kiss? Sige, pag-uwi ko hindi lang iyon ang gagawin ko." Sabay tawa n