Chapter 30 JHOACE'S .P.O.V. ALAS-KWATRO pa lang ng madaling araw parang may feeding program sa loob at labas ng mansyon. Punong-puno kasi ng tao ang mansyon namin dahil halos lahat ng mga mafia ay dumating at nakabantay sa'kin. Maging ang mga abay namin at syempre ang groom nandito na rin. Hindi katulad sa kina-ugalian kapag ikinakasal magka-hiwalay ang groom at bride. Ayaw na kasing maulit ni Clarence Miguel ang nangyari noon. Gusto niyang hindi kami maghihiwalay hanggang sa makarating kami ng simbahan. Hindi ko mapigilang umiyak habang nakatingin sa salamin. Suot ko na ang wedding gown ko at handa na ako upang umalis at sumakay sa bridal car. Ang baby Raven namin ang naging ring bearer ko. Syempre ang mga kaibigan ko pa rin ang abay kahit na nga may kanya-kanyang asawa na. Ito kasi an