Chapter 29 Inayos na ni Elizabeth ang mga inorder na pagkain ni Cody para sakanilang dalawa sa dining room nito. Napangiti siya dahil iyon parin ang mga pagkain na madalas nitong orderin sa tuwing magkasama silang dalawa. Mas marami nga lang ngayon. "Hey.." Napalingon siya sa binata ng pumasok ito sa loob ng dining room. Naabutan siya nitong nag-aayos ng mga pagkain. Nakaligo at ito at nakapagpalit ng damit. He's wearing a plain white tshirt at black jogging pants. Mukhang handang handa na ito matulog. "Hi. Inayos ko na yung mga pagkain natin.." Saglit siya nitong tinignan mula sa kanyang mukha pababa sa kanyang mga dibdib ngunit nag-iwas rin agad ito ng tingin. "T-Thanks. Kumain na tayo" Anyaya nito sakanya bago ito kumuha ng isang plato. Chinese food ang mga inorder nitong pa