Chapter 30 Panay ang sulyap ni Cody sa babaeng katabi niya. Tahimik lang itong nanunuod movie kasama siya. Mabuti nalang at pumayag itong manatili pa ng isang oras sa kanyang condo. Ayaw pa talaga niyang pauwiin ito dahil nag-eenjoy pa siyang makasama ito. Wala sa loob na napapatingin siya sa wall clock na malapit sa kusina. Sampung minuto nalang at mag-iisang oras na silang nanunuod ng movie. Hindi niya mawari kung bakit naging mahiyain siya. Ngayon lamang siya nahiya at naging torpe ng ganito sa isang babae. Mag-iisang oras na ay hindi man lang niya nagawang hawakan ang kamay nito Wala naman sa movie ang kanyang atensyon kundi nasa babaeng ito. She makes him crave for her. Para bang nasasabik siyang maranasan kung paano ito maging nobya "G-Ganito ba talaga tayo kapag nanunuod t