Chapter 31 "What? I h-have my own company?" Nakangiting tumango-tango ang kanyang daddy Kenjie pagkatapos niyang itanong kung bakit siya pinagbibihis nito ng business formal suit. "You're not kidding me dad?" Walang tiwalang tanong niya sa kanyang ama "I'm not kidding son. You successfully build your own company. Mas napalago mo ang ibang business na ipinamana ko sayo kaya saiyo ko ipinamana ang lahat ng negosyo ko--" "How about ate Karen?" Kunot nuong tanong niya. Hindi naman kasi siya sakim sa mana dahil may kapatid pa siya at mahal niya ang ate Karen niya Kinampas nito ang kamay na para bang kabisado na nito ang ate Karen niya. "Walang interest ang ate Karen mo sa business natin. Abot hangang langit ang ngiti niya ng ibigay ko sayo ang lahat ng negosyo ko. Hahatian mo naman daw