Chapter 32 Pagkarating nila sa kanilang destinasyon ay naroon na rin si Zacary at mukhang kanina pa naghihintay sakanila Mayroon na itong bon fire na nagawa at naabutan nila ito habang inaayos nito isang malaking tent na pagtutulugan yata nila. "Zac!" "Glad that you are all here.. Tulungan niyo ko" Nakangiting sabi ni Zacary ngunit hindi naman umabot sa mga mata nito ang ngiti. Tumulong agad si Herbert at Daniel sa pag-aayos ng malaking tent na kakasya marahil ang dose ka-tao. Para iyong isang family tent. Magkahawak kamay sila ni Cody ng bumama sa kotse. Inayos pa ni Cody ang kanyang buhok na nasasabunutan nito kanina habang nakikipaghalikan sakanya. Ngumiti si Cody sakanya habang inaayos nito ang kanyang buhok. "Namumula.." Hinaplos nito ang kanyang ibabang labi ng mapansin nito