Chapter 33 Pagkatapos mag kasayahan ng magkakaibigan sa paglangoy ay nagutom na ang mga ito. Sabay sabay silang kumain ng chicken barbeque. Naiilang si Elle sa kanyang suot dahil siya lamang ang naka-office attire sa mga ito. Masyadong maiksi ang kanyang pencil cut skirt na hapit na hapit sakanyang mga binti at naiinitan na rin siya sa suot niyang blouse. Samantalang nakaboxer shorts lamang ang mga lalake at nakaswimsuit naman si Manilyn. "Why don't you take off your clothes?" Malokong tanong ni Daniel sakanya kaya nabatukan ito ni Cody habang kumakain sila. "I mean change her clothes. May swimsuit naman si Manilyn diyan na extra" Palusot ni Daniel at mukhang tipo rin ata siya ng mokong na ito dahil kanina pa napapatingin sakanya. O baka naingit lang ito sa tamis ng paghahalikan nila