Chapter 11 Ang makulit na babaeng iyon pala ang nag-iisang kapatid ni Cody at ang sikat na fashion designer at may ari ng Karhoppie dress! Ipinakilala siya ni Cody sa kapatid nitong masayahin at parang hindi nalulungkot kahit isang segundo. Madaldal din ito habang masaya itong nakikipagkwentuhan sakanya Katabi niya ito sa pabilog na lamesa na pang-animan na upuan habang nasa kabilang side naman niya Cody. Hangang ngayon ay naroon parin sila sa birthday party ni Jacob Hoffman. Napakagwapo rin ng isang iyon. Ngunit napansin niyang hindi ito pala-ngiti at palaging seryoso lamang ang mukha "Ayang si kuya Jacob? Tatanda yata yan ng binata eh. Biruin mo no girlfriend since birth yang ganyan kagwapo? Manang mana sa daddy niyang si uncle Gabriel.." Patuloy parin sa pagkwento si Karen sa kanya