Chapter 12 Pagkatapos siyang sermonan ng kanyang kuya Taylor ay pumasok na siya sa banyo upang maligo na siya at makapagpalit ng pang-tulog na damit Mag-aalauna na pala ng madaling araw kaya't kailangan na niyang makapag pahinga dahil may pasok pa siya kinabukasan. Ngunit ang buong katawan niya ay nag-iinit parin habang siya ay naliligo. Hindi niya makalimutan ang sarap na pinaranas sakanya ni Cody sa paraan ng paghalik nito. Napahawak siya sa kanyang labi habang tumutulo ang maligamgam na tubig mula sa shower sa buong katawan niya. Pakiramdam niya ay naroon parin ang mainit na labi ni Cody. Nararamdaman parin niya ang mga labi nito pati na rin ang malikot nitong dila. Napakagat labi siya ng maalala kung gaano ito kapusok manghalik! Para itong tunay na lalake! Ano nga kayang mangyaya