Chapter 13 "Nabalitaan niyo ba? Nariyan daw yung ex-girlfriend ni boss." Napatingin si Elle sa bulong-bulungan ng mga empleyadong nadaanan niya malapit sa coffee shop ng Hoffman's Corporation. Binalewala niya ang mga ito dahil kailangan niyang bumili ng kape para kay Cody. Hihingi siya ng pasensya sa nagawa niyang kagagahan kagabi. Hiyang hiya siya sa amo niya nang marealize niya ang kanyang nagawa. "Talaga? Si Miss Manilyn?" "Correction! Mrs. Manilyn Espinoza. Hindi ba't nagpakasal iyon sa isang kilalang politiko?" Naririnig parin ni Elle ang pag-uusap ng tatlong empleyado kaya napatingin siya sa kanyang likod. Pumasok rin pala ang mga ito sa coffee shop at kasalukuyan nakapila sa likuran niya. Hindi niya maiwasan macurious kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito "Iyon nga ang pi