Chapter 14 Pinaharurot ni Cody ang kanyang Lamborghini Huracan race car sa pinakamabilis na kaya nitong takbuhin. Matagal tagal rin siyang napahinga sa pakikipag-karerahan sa kanyang mga pinsan dahil sa pagpapangap niyang bakla Hindi siya makakapayag na matalo sa karerang iyon. Umaga pa lamang ay wala na siya sa mood dahil nakita niyang magkasama si Franco at Elle. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit siya sa tuwing may ibang lalakeng napapalapit o kumakausap dito Napakarami niyang trabaho sa araw na iyon na mas mahalaga kaysa sa pakikipagkarera sa walang utak niyang pinsan na si Franco. Ngunit hindi niya maunawaan kung bakit mas pinili niyang patulan ang paghahamon nito dahil lamang sa isang babae Dahil lamang kay Elle.. Pakiramdam niya ay sinisilihan ang puwet niya ng