Chapter 28 3rd Person's POV Hindi makatulog si Coquelicot. Hindi maalis sa isip niya ang expression ng mga kapatid niya noong sinabi niya iyon. Hinawakan ni Coquelicot ang dibdib. Kahit sa mga oras na iyon ang bigat pa din ng dibdib niya. Humilig si Coquelicot sa sandalan ng sofa at tumingin sa mga painting na nakasabit sa pader. "Bakit hindi ka pa natutulog? Wala kang balak pumasok bukas?" Napatigil si Coquelicot. Nag-angat ng tingin ang babae at nakita niya si Citroen na pababa ng hagdan. Hindi pa din natutulog si Citroen dahil may mga binasa pa itong dokumento na ipapadala niya bukas sa opisina. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita," ani ni Coquelicot at tumayo. Bumaba lang naman si Citroen talaga para magtimpla ng kape. Sinundan ni Citroen si Coquelicot sa kusina. Hindi m