Chapter 29 3rd Person's POV Nagtataka si Coquelicot. Wala ang kapatid niya sa paligid. Muli nakaramdam ng guilt si Coquelicot— siguradong galit na sa kaniya ang mga kapatid. Hinatid nina Jaykie si Coquelicot sa room nito. Nasa labas lang naman si Benedict at agad na umalis si Jaykie. Wala naman sumisita sa kaniya at kung may teacher na magtatanong sasabihin niya lang na naghahanap siya ng lugar kung saan maari manigarilyo. Nakarating si Jaykie sa greenhouse. May nakita siyang tao sa loob. Mukhang isa iyon sa mga professor ngunit hindi makita ni Jaykie kung sino ang kausap nito. Aalis na si Jaykie nang may marinig siyang pamilyar na boses. Sobra iyon pamilyar sa kaniya. "Hindi na tayo pwede makampante. Nandito ang dalawa sa tauhan ng mga Zoldic." "Paano ka nakakasigurado na tauha