CHAPTER 28

1810 Words

NAPANGITI si Davin habang nakatingin kay Lexi na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Nasa Maynila sila. Anniversary kasi ng parents ni Lexi kaya nandito sila ngayon. Nakilala niya rin ang mga ibang kaibigan at kamag-anak nila Lexi. Kasama niya ang mga kalalakihan sa may pavilion habang magkakasama naman ang mga babae sa loob ng mansyon. Nag-iinuman sila at nagkukwentuhan na rin. Napatingin siya sa kaniyang gilid nang may humila ng laylayan ng damit niya. “Bakit?” Tanong niya kay Finnegan. Lumuhod siya para mapantayan niya ang bata. Nakanguso si Finnegan. Napangiti na lang si Davin saka binuhat ang bata na kaagad namang yumakap sa leeg niya. “Tito, what’s that?” Tanong ni Finnegan habang nakatingin sa hawak niya. “Wine.” Sagot niya. “I want to have drink too.” Sabi ni Finnegan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD