AFTER Davin was discharged from the hospital, his doctor advised him to have a full recovery at home. Napabuntong hininga na lang siya habang nasa pavilion siya ng kaniyang bahay. Umalis na siya sa apartment niya pero ayaw pa ni Lexi ang umalis doon. Hindi naman siya nag-aalala para sa kasintahan kasi sinusundo naman ito ng mga bodyguard nito at hinahatid na rin. Sumulyap siya sa gate, wala pa si Lexi. Ugali na kasi ng kasintahan na dadaan muna ito sa kaniya bago ito pumunta sa café nito pero bakit ngayon ay wala ito? He looked at his wrist watch, it’s already seven-thirty in the morning. Dati-rati naman na alas syete ay nasa bahay na niya ito. Tinignan niya ang cellphone niya at nakita niyang wala itong text o tawag. Napailing si Davin. Mukhang nasanay lang siya na lagi niyang nakikita si