LEXI looked inside the ICU. Ikalawang araw na ni Davin sa loob ng ICU pero hindi pa ito nagigising. Napabuntong hininga siya at napayuko. Nag-aalala siya para sa kasintahan niya. Umupo siya sa upuan na nasa labas ng ICU. Napahawak siya sa kaniyang mukha at napatitig na lang sa sahig. Napatingin siya sa tabi niya nang may tumabi sa kaniya ng upo. “It’s okay, Lexi. Gigising din si Davin. Magtiwala ka sa kaniya.” Sabi ni Relle sa kapatid niya. Tumango si Lexi. “Alam ko, Ate. Davin is a strong man.” “Actually, hindi ko inaasahan na isang agent si Davin. Wala kasing sinasabi sa akin si Felix. At hindi ko rin inaasahan na isa ring agent si RK.” Sabi ni Relle. Umiling si Lexi. “Hindi ko rin alam, Ate. Hindi rin pumasok sa isipan ko na magiging isang agent si Kuya RK at