DAVIN crossed his arms as he was looking at the sea. Nasa rest house sila ni Leonard na malapit sa dagat. May mga darating itong bisita mamaya at mga foreigners ang mga ito. Alam niyang mga kasapi ng La Casa Organization ang darating dahil naghahanda si Leonard. Malas lang nito dahil ngayon na ang katapusan nila. Tumaas ang sulok ng labi niya. Nakita niya si Anton na nasa ibaba, tumingin naman ito sa kinaroroonan niya. Bahagya lang siyang tumango. Mukhang natapos na nito ang dapat nitong gawin. Kinuha niya ang cellphone mula sa kaniyang bulsa at nagpadala ng mensahe kay Landon. ‘We have an operation today. Your father’s fate is not on us. It’s on him.’ ‘I know, Kuya. I won’t hold grudge whatever will happen to him.’ Landon replied. Ngumiti si Davin. Sa totoo lang, iba