CHAPTER 23

1725 Words

NAGISING si Lexi kinabukasan na wala na si Davin sa tabi niya. Mukhang umalis na ito. Pero natigilan siya nang malanghap niya ang mabangong amoy ng nilulutong pagkain. Kumunot ang nuo niya at bumangon. Napangiti na lang siya nang may pumasok sa isipan niya. Inayos niya ang higaan. Kinuha niya ang leather jacket ni Davin na nasa higaan at inilagay ito sa upuan. Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina.     “Good morning.” Bati sa kaniya ni Davin.     Ngumiti si Lexi. “Morning, Kuya.”     Natawa si Davin saka napailing. Muli itong humarap sa kalan. “You’re still calling me ‘Kuya’.”     Nakagat ni Lexi ang pang-ibabang labi. “I was used to it.”     Davin sighed. Pinatay nito ang stove saka humarap kay Lexi. Ipinalibot niya ang braso sa beywang ni Lexi saka niya ito binuhat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD