Lander POV Lutang akong nakamulagat sa harap ng pintuan ng operating room kung saan ay ginagamot si Xander. Hindi magkamayaw ang matinding kaba at pag-aalala na nararamdaman ko para sa kapatid ko dahil kitang-kita ko kung paano ito nabaril hanggang sa tuluyang nawalan ng malay sa harap ko. "Bro, tumawag na si Miguel, nasa baba na sila. Kasama na ang anak mong si Siegel," sabi ni Ace matapos ibaba ang tawag. Napatayo ako sa narinig dahil isa itong magandang balita para sa akin. Bilang ama ay matinding emosyon ang lumukob sa akin matapos kong malaman na ligtas na ang anak ko at anumang oras ay magkikita na ulit kami. "Salamat bro, nasaan sila?" agad na tanong ko. "Nasa parking na sila, puntahan mo na. Ako na muna ang bahala dito bro," sabi ng kaibigan ko. Kahit matindi ang pinagdaanan