Julia POV Nagising akong nanghihina, pakiramdam ko ay may ginawa akong kung ano dahil heto, pagod na pagod ako. Muli ay napapikit ako dahil hindi pa rin malinaw ang paningin ko. Ilang kurap ang ginawa ko saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang ospital. Natigilan ako ng igala ko ang paningin ko. Saka ko lang napansin ang lalaking nakahawak sa kanang kamay ko at nakayukong natutulog sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko. "Hmm," hindi ko napigilan na hindi mapadaing dahil umatake ang matinding kirot sa tagiliran ko ng tangkain kong igalaw ang isang braso ko para sana kamutin ang nangangati na ilong ko. Marahil ay epekto na naman ito ng gamot na itinurok ng doktor sa katawan ko. Ganito kasi ang epekto noon sa akin ng mga panahong nagising ako ng ma comatose ako ng lim