Julia POV Saglit na nakatulog ako pero hindi nagtagal ay ginising ako ni Lander dahil panay na daw ang tawag ni Xander. Hindi ko alam kung anong meron ngayong araw lalo na at hapon na rin naman at aligaga ang dalawang ito. "Inayos ko na ang damit na isusuot mo," sabi ni Lander ng naabutan ko itong natayo hawak ang cellphone. Siguro ay kausap na naman at kinukulit ito ni Xander. Maya't maya na lang kasi kung tumawag ang isang iyon. Kunot noo na tingnan ko ang damit na nakapatong sa kama. Kulay navy blue na bisteda ito at alam kong kasya sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng hula nang mai-suot ko ito. Sakto lamang at hanggang sa hutod ko. Medyo hapit nga lang ito kaya humakab sa katawan ko at lumitaw ang kurba na alam kong sa akin na naman nakatingin ang asawa ko. "Hindi pa rin nagbabago