Julia POV Mabilis na lumipas ang dalawang buwan dito nasanay na akong narito sa bahay ng mga Robles kasama ang mga magulang ni Xander at Lander. Napagkasunduan kasi ng pamilya na habang nagpapagaling ang Mommy nila ay gusto ng kambal na narito sila para nakikita unano nila ang improvement ng kondisyon ni Mommy Amanda. Dito ramdam ko ang malaking pagbabagong naganap. Hindi lamang sa patakaran ng buong mansyon kun'di pati ng sigla at emosyon ng mga taong nakatira dito. Masaya at puno ng pagmamahalan ang pamilya. Dito na buo ang pagkatao ng mga anak ko kasama ang pamilya ng kanilang mga ama. Kita ko kung paano pahalagahan at mahalin ng Mommy at Daddy ng mga asawa ko sina Shane at Seigel. Yes, tanggap ko na dalawa sila. Kahit anong gawin ko at pilit na itulak palayo kahit isa sa kanila