Julia POV "Welcome home!" malakas na bati ng mga taong napasukan namin sa sala ang sumalubong sa amin. "Mama!" magkasabay na tawag ng mga anak ko habang tumatakbo silang palapit sa amin. Gustuhin ko man na lumuhod at pumantay sa mga anak ko para yakapin sila ay hindi ko ginawa dahil kabilin-bilinan ng doktor na huwag akong yuyuko o kaya mamaluktot. Mababanat daw kasi ang tahi sa sugat ko at maaaring bumuka ito oras na hindi ako nag-ingat. "Kumusta kayo?" sabi ko habang nakayakap sa bewang ko ang dalawa at hinahaplos pareho ang mga ulo ng mga ito. "Mabuti po Mama, na miss po namin kayo ni Shane," madaldal na sagot ni Siegel. "Si Mama lang ba? Ang Daddy, hindi n'yo ba na miss?" kunwari ay nagtatampo ng madramang si Xander sa tabi ko. "Syempre na miss ka rin po namin Daddy X," bibo n